"Hi I'm Marinella. Maniwala man po kayo o hindi 4th year high school na po ako. Hindi po ako inabot ng K-12-- May sumulpot na chinitong lalaki sa screen. "Ibabalik ka nila sa kinder sa height mo!" "Yanga wag ka ngang epal!" Binatukan nung babae ung chinito na sumulpot kanina. "Yun po pala yung bestfriend kong si Yanga. Hindi ko din po alam kung pano ko naging kaibigan yun at the first place. Idedescribe ko po siya. Wala po siyang mata-- "Toyo ka Nel! Anong tawag mo dito sa---" May humampas na bag sa mukha nung chinito. "Shhhhh! Ayan na si Sam!" Maya maya may dumaan na lalaki sa camera. Bandang hita lang yung nakita sa camera. Sumulpot na ulit yung chinito sa screen. Umirap siya. "Sam sam. Pssssssh. Yan ang walang mata." "Hindi kayaaaaaaa! Lumabo lang mata niya kakaaral no!" Lumapit yung chinito sa camera. "Ni hindi nga niya napapansin si Nel. Yan ang bulag! Diba?" "Hoy! Anong binubulongbulong mo dyan sa digicam ko?! Shuuu!" Binitbit na yung camera papalayo dun sa babae. Tumakbo yung may bitbit ng camera habang nakatutok pdin dun sa babae. Hinahabol nung babae yung mag butbut ng camera. Plak. Plakda yung babae. Sumulpot yung chinito sa screen, ngiting ngiti. "At yan mga kaibigan si Marinella Perez, aka Nel. My one and only...... ..BESTFRIEND." cam off. **********
7 parts