Yung iba, Mas gusto nilang binabalikan ang mga nakaraan nila. Yung masasayang bagay na takot nilang makalimutan, yung mga ala-ala nila na hindi nila dapat kinakalimutan. Pero iba ako. Ayoko nang balikan, ayoko nang maalala pa. Gusto ko ng ibaon sa limot ang lahat. Sa tuwing naaalala ko yung mga ala-ala na yun, Nasasaktan ako, Dumudugo ulit yung mga sugat na nasa puso ko. Ayoko na, at ayoko nang makita pa siya. Pagod na ko masaktan, pagod nako madurog ulit. Tama na.