Sa mahigit sampung taong paninilbihan ni Coline bilang personal na alalay ni Basty Chua ay kilalang kilala na niya ang lalaki. Isa itong lalaking ubod ng sungit pero pogi at walang ibang ginawa kundi ang asarin siya. Tuwing magkasama sila ay daig pa ni Coline ang isang high blood dahil laging kumukulo ang dugo niya sa inis dahil sa among masungit na si Sir Pogi. Dahil sa kagustuhang makapag-aral sa magandang skwelahan pinili ni Coline na tanggapin ang offer ng kanyang Untie Amanda na mag- aral sa ibang bansa. Ngunit biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Basty, hindi na ito katulad ng dati na halos manginig ang buong kalamnan niya kapag nagsusungit ito. Hindi namalayan ni Coline na unti-unting nahuhulog ang loob niya kay Basty dahil sa kabutihan na pinakikita nito. Ngunit ng aminin ni Coline sa sarili na mahal niya ang binata ay saka biglang nagugulo ang isipan niya at ang mga pangarap niya. Tama kaya na manatili siya sa tabi ng Amo? o kaya naman lumayo sya para sa sariling mga pangarap.