"Minahal kita pero niloloko mo lang pala ako. Dapat pala nung una pa lang ay nagpahiwatig ka na para hindi na ako nasaktan ng ganito. Ewan ko ba talaga sayo kung bakit MAS pinili mo yang hinayupak na fangirl na yan kaysa sa akin. Sa ganda kong to, naghanap ka pa ng iba. Ang tagal mo na pala akong niloloko tapos inaakila mo pa. Sa tuwing magpapaalam ka sa akin na lalabas ka-kayong fantastic four ay pinapayagan kita pero tuwing paguwi mo din kasama sila ay ang baho muna. Yun pala ay sign na.Sign na may babae ka nga at kaya ka pala bumabaho dahil sobrang lakas ng kapit ng amoy ng mukang bumbay na hinayupak na fangirl na yon sayo. Tangna. Simula nung niyaya mo akong maglunch kahit kasama ang buong tropa mo ay nakilala kita na napakabangong tao. Sa tuwing nalalanghap ko yung bango ng perfume mo ay alam kong ikaw yan pero nung bumaho ka nga ay hindi ko na kaya pang langhapin yung bantot na pinapa-souvenir pa yata sayo ng hinayupak na fangirl slash babae mo. Magsama kayo -Sierra na maganda