Si Valentino ay isa sa mga anghel na matagal nang in love kay angelica kaya gumawa siya ng bagay na ikakagalit ni master para maparusahan siya at makababa sa lupa upang hanapin si Angelica. Nais niyang bawiin si Angelica kay Lucas na kasalukuyang nag-aayos ng kanilang kasal. Pero kahit anong gawin niya ay hindi niya makuha si angel kaya humingi siya ng tulong kay Lucifer na mahigpit na kalaban ng kabutihan. Tuluyan nang binalot ng kasamaan ang puso ni Valentino para lang mapasakanya si Angelica. Hahayaan ba ni Lucas na mawala si Angel sa kaniya at mapunta kay Val na walang ginawa kundi sirain ang relasyon nila?