NO TO LOVELIFE, YES TO STUDY. Sabihin niyong boring ang kwento ko pero para sakin masaya ito. Kung hindi niyo gusto ang kwentong walang nakakakilig na nalalaman, pwes huwag niyong basahin ito dahil ito ay para sa mga mababait lamang. Chos! Joke lang! Kayo naman hindi na mabiro, sige abangan niyo na lang dahil ang kwento ko ay magsisimula na ngayon. "Saka na siguro ako magkakaroon ng LOVELIFE kapag mag-50 years old na ako." Bulong ko sa sarili ko. Hoy, sinabi ko bang basahin mo to? Huwag kayong tsimosa, basahin niyo na nga lang. Heh!