Paano kapag tinanong ka ng isang HEART THROB ng ganito: "You have two choices: be my girlfriend or be my slave." Siguro kung makiri ka, pagiging girlfriend ang isasagot mo. Ikaw ba naman magkaroon ng jowang sikat! Pero hindi ako katulad ng 99.9% na mga tangang babae sa mundo. Well, ito na yata ang pinamahirap na desisyong dapat kong pag-isipan nang mabuti sa tanang buhay ko. Ako? Isang Megan Alexandria Schneider? Papayag na maging girlfriend ni Blue Anderson na isang campus heartthrob at gangster na walang puso at hari ng blackmail? NO WAY! Ayoko pang mamatay ng maaga. Pero pagiging slave? Kaya ko ba yun? Eh sayang ang ganda ko kung pagiging alipin ang bagsak ko noh! Hindi ako nag-aaral para maging housekeeper! "NONE OF THE ABOVE." sagot ko. Manigas siya! Maglaway siya! "EVERYONE! MEET MEGAN, MY G-" agad ko siyang pinigilan. Sabi na eh! Mambablackmail nanaman siya! Urghhh! "Deal. I'll be your slave," unsatisfied na sagot ko pero wala akong choice. Ayokong masayang ang lahi namin pag naging boyfriend ko ang Asul na to. "Great. You're mine, my slave." ** The Heartthrob's Property By: Jesmine :)