Love... Loving someone means hurting inside... You have to learn to sacrifice... You have to endure the pain... Sacrifice and pain iyan ang mga bagay na mararanasan ng mga taong nagmamahal in order na matutuhan rin silang mahalin ng taong mahal nila. Si Krystal Jung Santillan ay isang mabait, masipag at masunuring anak. Lahat ng utos o gusto ng kaniyang ama ay sinusunod niya kahit pa ikamatay ito ng kaniyang puso. Nang magka problem ang negosyo ng pamilya Santillan kinailangan nilang manghiram ng pera para lang manatili sa kanila ang kumpanya. Kung kinakailangang lumuhod ang kaniyang ama para lang makahiram ng pera ay gagawin nito. Kaya ng lapitan ng kaniyang ama ang pamilya Mondragon ay hindi na ito nagdalawang isip pa, agad itong pumayag sa kundisyon ni Mrs. Miriam Mondragon ang Chairman ng Mondragon group of company. Tutulong lamang ang ginang sa isang kundisyon-ang pakasal ang nag-iisang anak nito na si Krystal sa anak niyang si Xander. Okey lang sana iyon, kung mahal ni Krystal si Xander pero ang mahirap ay may mahal itong iba at alam niyang ganuon din ang lalaki. May pag-asa pa kayang tanggapin at mahalin nila ang isa't-isa?