Magaling gumawa ng mga tsinelas si Ella. Kaya lang, kung anong kinaganda ng kanyang mga likha, iyon naman ang ikinapangit ng kanyang itsura. Pero sa likod ng pangit niyang kaanyuan, mayroon naman siyang busilak na puso. May pag-asa pa kayang magbago ang kanyang kapalaran?