Lumaki si Kim sa piling ng kanyang ama. Iniwan sila ng kanyang ina at sumama sa ibang lalaki. Lumaking tahimik hanggang sa magkaroon sya ng kaibigan, si Jing. Natutong tumawa, ngumiti at maging masaya sa kabila ng pangungulila sa kanyang ina. Si Jing ang naging tanging sandalan nya satuwing walang panahon ang kanyang ama dahil nagtatrabaho ito para mabuhay sila. Lumaki silang sabay, at hindi maiwasan ni Kim na mahulog kay Jing. Ngunit ang sabihin kay Jing na gusto nya ito ay maaaring maging hudyat ng malaking pader sa pagitan nila. Pader na hindi hahayaan ng kanyang ama na masira. Hanggang saan ang kaya nilang iparaya para sa isang kaibigan? Hanggang saan ang kaya nilang isantabe, dahil sa rason na bata pa lang sila? Hanggang kilan nila matitiis ang sakit na lagi nalang umasa sa pagkakataong sakanila naman dapat at hindi para sa iba?