Paano kung ang akala mong magmamahal sa iyo ay siya rin mananakit at magpapatunay na ang pag ibig ay isang bangungot na dadalhin mo habang buhay. Paano kung ibinigay mo na ang lahat lahat pero alam mong wala nang pag asa ,pag asang maramdaman ang pag- mamahal nila, Mabuti pa ang tindahan pagnagbayad ng sobra napakadali kang suklian, Nakakatawa ,nakakaiyak ,nakakabaliw ... Akala ko kakayanin ko, bawat segundo ng buhay ko patuloy nilang pinaparamdam sa akin kung gaano ako ka walang halaga sa kanila... Kinaya ko yung simpling pananakit,simple?kung simple nga bang matatawag yung araw araw kang binubugbog,pinapahiya,minumura at gabi gabing binababoy... Masakit yung mga pasa,makirot bawat himaymay ng aking katawan pero mas masakit yung habang ginagawa nila yun nagbibitaw din sila ng mga salitang dudurog sa pagkatao ko. Sabi ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ako bibitiw at maghihintay ako kahit pa maibigay ko ang LAHAT SA AKIN.