My GayFriend Nacucurios ka ba kung ano ang magiging flow ng storyang ito? Unang una, tatanungin muna kita kung gaano Ka kinilig sa tambalang kathniel, jadine o kaya lizquen. Kinilig ka ba to da Max!? Kinilig ka ba na halos maiyak, mapatalon, o kaya'y ma-ihi na ang naramdaman mo habang pinapanuod ang mga teleseye nila? O, Kinilig ka to the point na binabatukan mo na ang kasama mo dahil sa kilig moments na napapanood mo? Kasi kung OO, hmm, wala tayong magagawa dyan, haha, pati nga ako eh, kinikilig rin. Kilig na di lang basta kilig, kundi kilig na halos feeling ko walang nanonood na iba, yung tipong trip kong i- feel ang bawat moments sa loob ng sinehan kasama ng ibat ibang taong di ko naman kilala. Punta tayo sa point ko. Tinanong ko kayo, kasi kung ang jadine o kathniel o lizquen ay nagbigay ng buhay sa larangan ng pag papakilig sa inyo, gusto ko ring ipaabot na kayang pantayan ng romantikong storyang ito ang mga naramdaman nyong kilig sa mga idol nyo. "My GayFriend ". Kung para sainyo masyadong malaswa ang title nito, sinasabi ko sainyo, hindi ito malaswa at mas lalong di mala "50 shades bla bla bla... " ang dating ng kwentong ito. Oo, love story nga ito ng isang bakla at isang tunay lalaki, pero Kung ang love story ng babae at lalaki ay kinilig kayo ng todo. Asahan mo sa kakaibang kwento ng mga pusong umiibig sa storyang ito ay kikiligin, makakarelate at maaliw ka rin. Salamat:-)