Kung meron mang isang tao sa buong mundo na ayaw sa buwan ng Agosto... Si Aria Ocampo yun... Lahat ng pinakaimportante at pinakamamahal niya sa buhay ay nawala sa buwan ng Agosto, tatlong taon na ang nakakaraan. Lahat-lahat ng meron siya at ang pamilya niya noon ay parang bulang biglang naglaho. Sa kasalukuyan, pilit binubuhay ni Aria ang kanyang sarili sa kabila ng sobrang hirap na kanyang dinaranas. Pilit niyang ginagawang normal ulit para sa kanya ang lahat. Ngunit, hindi pa man tuluyang naglalaho ang sugat ng nakaraan, may biglang darating sa buhay niya at magpapaalala sa kanya ng lahat ng sakit at hirap na dulot ng buwan ng Agosto. Siya si August Perez, isang misteryosong lalaki, at sa kanyang pagdating, muli bang mauulit ang aksidenteng nangyari tatlong taon na ang nakakalipas?