Ang buong akala ni Madi ay sa kanyang pagiging senior accountant sa isang maliit na kompanya lamang iikot ang kanyang boring na buhay pero syempre ang akala nyang ito ay mali, Maling mali. Dahil simula nang nagpadala siya sa kalokohan ng kanyang ka-opisina na sumali sa isang online raffle date ng isang bagong resort ay lumihis ang kanyang puro numerong buhay sa isang mala-nobelang eksena kasama si Adam Watsons, the most in demand male celebrity in the country. And may I add, the hottest endorser of The Cavanna Resort.