Bakit ganun? Akala ko ba... masarap ang bawal? Bakit kahit ano ang gawin ko, nasasaktan pa rin ako? Alam ko nman na bawal ang nararamdaman kong ito. Kahit ano ang gawin ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Feeling ko tuloy, napaka-selfish ko. Bakit hindi kayang tanggapin nang puso ko na masaya na sila? Kapag tumitingin ako sa knya, nagkakaroon ako ng lakas ng loob na agawin sya. Para bang... hinihintay ko ang pag-aaway nila para tuluyang masira ang relasyon na pinaghirapan nilang ibuo sa loob ng maraming taon. Pilit ko namang nilalabanan ang damdamin ko, pero dinadaig yata nang puso ko ang isip ko. Dahil ba... ayoko nang magpatalo sa pagkakataong ito? Dahil ba... parati na lang sya ang panalo at ako, pangalawa na lang palagi? Masisisi nyo ba ako? Hindi naman madali ang pigilan ang damdamin eh, lalo na't ang isip at puso ko na mismo ang nagsasabing, mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sya. Mahal na mahal ko sya, simula nung una kaming nagkakilala. Bakit ang lahat ng bagay na gugustuhin ko ay sya ang nakakakuha? Hindi ba ako mabait para pagbigyan kahit minsan lang? Lahat naman ginagawa ko ah? Pero, bakit ganun? Bakit parati na lang akong nababalewala? I know that this isn't right. PERO... Aanhin mo naman ang paggawa nang tama kung hindi ka masaya? I've been always good all my life. Ngayon lang ako nabigyan nang chance na ipaglaban kung ano tlaga ang dapat na sa akin. Hihintayin ko pa bang mawala ang lahat sa akin, bago ako gagawa ng bagay na makakapagpasaya sa akin? I know that I am being selfish. Ano nman ngayon? Minsan lang naman 'to ah? Minsan lang naman akong magmahal nang lubos and yes! I'm in love. I'm in love with... ... "My Sister's Boyfriend"
3 parts