Aminado si Erica na unang kita pa lamang niya kay Denver -ang kapitbahay niya sa kanyang bagong nililipatan ay attracted na siya sa kagwapuhan nito. Who would not be? Denver was sinfully gorgeous for Pete's sake! Pero nang masaksihan niya kung paano nito pinagpapalit-palit ang mga babae na tila ba nagpapalit lamang ito ng damit. Pinutol agad niya ang pagkakagusto niya rito. She wouldn't take a playboy for a heartache. Pinagtutuunan na lamang niya ng pansin ang paghahanap ng trabaho. Ngunit, Isang araw niyon habang nag-aabang siya ng taxi upang puntahan ang kompanya para sa kanyang interview, natalsikan siya ng tubig-baha na nagstuck-up malapit sa kinatatayuan niya nang isang rumaragasang sportscar. At nalaman niyang ang binata pala ang driver niyon. Dala ng pagkainis rito dahil sa pagka-reckless nito, minura at sinigawan niya ito ng todo. Hindi niya alam na ito pala ang magiging boss na niya sana sa inaapplayan bilang sekretarya nito!