Bakit ba ang kulit ng gilagid niya?! Nakakasar 'yung kagwapuhan niya, namfotek! Laslasin ko 'yang mahaba niyang baba-- "May Anne." "What?" "You're staring. They say it's rude but I think it's sweet. Naiinlove ka na ba sa'kin?", sabay ngisi na kita ang gilagid. Bigwasan ko kaya ang isang 'to? "Pssh.. pwede ba?" "Pwede naman", ngumiti siya at nagtaas ng kilay. Taray! "Ang feeler mo, Kris." "Kaya nga ramdam kong may gusto ka rin sa'kin eh. Ba't kasi 'di mo na lang aminin?", pa-cool niyang tanong. Kapal! Paano naman niya nalaman?!