Paano kung ang lalaking pinakasalan mo at kasama mong nangako sa altar at harap ng diyos na makakasama mo sa hirap at ginhawa ay biglang nagbago? Paano kung ang pinangarap mong masayang pamilya ay unti-unting nasira at naglaho na parang bula? Paano kung sa gitna ng hirap may dumating na liwanag at magbigay saya sa puso mong nawasak? Paano kung sa pangalawang pagkakataon at hindi inaasahang panahon ay muling titibok ang puso mong matagal ng nakahimlay? Tatanggapin mo ba o hahayaan na lang itong makawala? Paano kung tinanggap mo? Makakayanan mo ba itong ipaglaban sa mapanghusgang lipunan?