Second Generation The Sister's First Love (SPG) Sa mga anak ni Natan at Summer ay si Kristine ang pinaka taklesa at madaldal sa lahat. Nakilala niya si Liam na may gusto kay Autumn na kanyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito. Nagtagumpay na man siya at nag propose ng kasal sa kanya si Liam. Siya na ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo pero lahat ay gumuho nang hindi sumipot si Liam sa kanilang kasal. She is so broken at naging malapit siya sa simbahan hanggang sa napagdesisyonan niyang mag madre. Nagulat ang kaniyang pamilya sa kaniyang desisyon pero sinuportahan siya lalo na ang kanyang Ama. Isa siya sa mga napili naipadala sa isang liblib na lugar. Laking gulat niya nang makita dito si Liam at hindi siya kilala. Ano ang kanyang gagawin? Sa ilang taon na hindi niya nakita si Liam ay maraming nagbago sa kanyang kaanyuan, naging mas matipuno ang kanyang katawan dahil sa trabaho nito sa bukid at mas lalong nakakalaway ang ka gwapuhan. Hindi na siya mahiyaan at tahimik gaya noon. Siya ay presko at maloko na ngayon. Ipagpatuloy ba niya ang pagiging isang Madre o ipa-alala kay Liam kung sino siya.