Sa mahiwagang kolehiyo ng mahika, lahat ng mag-aaral ay nagsasanay ng mahika na naaayon sa kanilang mga kurso. Sa kanilang huling taon sa paaralan, ang bawat pangkat ay hinirang upang maglakbay sa siyam na misteryosong lugar upang gawin ang misyon na iniakda sa kanila, palakasin ang kanilang mahika at matutunan ang mga lihim ng buhay at mahika. Isa sa mga pangkat ang pangkat ng Kalamansi na kinabibilangan ni Mirasol. Ano kaya ang naghihintay sa kanila ng kanyang kapangkat sa kanilang paglalabay? Mauuwi ba sa pag-ibig at pagiging magkaibigan ang kanilang paglalakbay o puro trahedya lamang ang naghihintay sa kanila? Alamin ang kapana-panabik na paglalakbay na puno ng mahika at sorpresa! Genre: Fantasy/Romance