Walong kabataan ang sumubok, Pito ang tumuntong sa bundok. Anim na kaharian ang gumuho, Limang oras silang naglaho, Apat silang itinakda, Tatlo silang nagdusa. Dalawa ang nagtagumpay Isa ang nabuhay. Sa Pagtungtong ng mga paa nila sa bundok Apo, nagsimula ang kanilang kwento. Ang akala nilang simpleng gala para makatakas saglit sa pagod at problema ngunit pagdating sa bundok masusubok ang kanilang tapang, determinasyon at buong pagkatao. Walo silang pumasok at nambulabog ngunit isa lang sa kanila ang mananatiling buhay sa mundo upang ang istorya nila ay ma-ekwento.