Dahil sa pagkamatay ng mga diwatang tagapangalaga sa espirito ng mga elemento nagkaroon muli ng takot at pangamba ang kaharian ng Eythora na muling magkaroon ng masamang pangyayari na nais nilang hindi na muling maulit pa ang nangyari sa nakaraan lalo na't nakakatunog sila sa muling pagbabalik ng Tartarus. Sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi na muli ang mga diwata ang tagapangalaga ng mga espirito kundi mga Eythorian na mas lalong nakakabahala dahil walang may alam kung sino ang mga napili ng espirito at kung saan nila hahanapin ang mga bagong tagapangalaga. Apat na babaeng nagtataglay ng katapangan at mga kakaibang katangian na kailan may hindi inaasahang pag-uugali ng isang tagapangalaga at isang babaeng makakatuklas ng kanyang katangitanging taglay na kapangyarihan na siyang magiging gabay at bantay ng apat na bagong tagapangalaga. Maging ang mga diwata ay hindi rin malaman ang dahilan kung hindi ang mga uri nila ang napili. Maari kayang hindi na muling nagtitiwala ang mga espirito ng elemento sa mga diwata. Ano nga ba ang meron sa apat na babaeng napili at kung sino sino ba talaga sila.