Hindi maiwasang mainggit ni Maya Almazan sa dalawang kapatid na naka-bingwit ng gwapo at mayamang asawa,nakatulong iyon para umangat ang kanilang buhay. Kaya naman nangangarap na rin siyang magkaroon ng taong tutulong sa kanya upang makaahon sa hirap, sumama siya sa imbitasyon ng kapatid niya sa isang engrandeng pagsasalo ng mga mayayaman upang doon hanapin ang magpapabago sa kanyang buhay. Tao lang din siya, nasisilaw sa pera at kayamanan. Nakilala niya doon si Avalor Raguindin, ang lalaking pasadong-pasado para sa kanya. Unang tingin palang, napasabi na siya ng "Akin ka", malakas ang kanyang kumpiyansa na mapapa-ibig niya ang lalaki gamit ang mala-anghel na kagandahan. Yun nga lang, sa unang subok nabigo na siya. "Ang choosy!"
1 part