Hinigit niya ang braso ko,napakahigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Masakit, napakasakit. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang pairalin ang pride ko o ipakita sa kanya ang luha ko na bunga ng takot, lungkot at kahinaan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sobra na akong natatakot sa kanya, At sa maaari niyang gawin sakin ngayon. Sa kabilang banda ng isip ko ay paulit-ulit na humuhuni ang boses ni mama. "Mag-boyfriend pa lang kayo anak, hindi ka nya pwedeng saktan. Kung sasaktan ka lang din naman niya, mas mabuti pang hiwalayan mo na sya. Hindi ka namin pinalaki ng papa mo para saktan lang ng kung sino." Gusto kong matawa.. Isipin niyo nga naman, AKO na Spoiled at napakatapang na babae, padadaig lang sa isang lalake?? Ang tanga ko talaga, Ang bobo ko pa. Eto na ba yung kapalit ng pagiging sweet at loyal ko sa kanya. Ang maging seloso siya? Ano bang nagawa ko? Ang sakit-sakit.. Kung sana.... >.< "Kung sana nung una palang sinabi ko sayong gusto kita... Kung sana nung nanligaw ka sinagot kita... Kung sana hindi ako natakot na mahalin ka... At Kung sana sinunod ko ang puso at isip kong bigyan ka ng "Chance"... Tayo sana yung magkasama. Tayo sana yung nagtagal ng sobra. Hindi kami, Hindi kayong dalawa. Kahit ano pang sakit yung maramdaman ko, at pagsisising gawin ko hindi na magiging TAYO. Dahil nagpakatanga at naging duwag ako. Kasalanan ko kung bakit naging miserable ang buhay ko... dahil hindi ako napakatotoo." "I'm Sorry Enrico..."