Bakit? Minsan, tinatanong mo "bakit?". At madalas 'ay walang sumasagot. Walang sumasagot dahil walang nakakarinig. Dahil nasa isipan mo lang lahat ng mga bagay na itinatanong mo. Hindi mo ito masasabi sa kahit na kanino, dahil mahirap sabihin lahat ng mga bagay na ito. At sa 'maniwala ka' o sa 'hindi'-- ayaw mo ring masagot ang mga katanungan na ito, dahil alam mo sa bandang huli ay masasaktan ka lang. Yan ang natutunan ko, nang sagutin ng kaibigan ko ang mga katanungang ito... Nang walang kamalay-malay. -josh
1 part