Minsan, ang sarap takasan ng mundo. Minsan, parang gusto mo na lang biglang maglaho. Minsan, nakakasuko. Pero sa loob-loob natin, ang gusto lang talaga naman natin ay mas maayos na buhay. Mas magaang problema. At dahil doon, minsan iniisip natin kung meron bang ibang mundo, kung saan mas madali lahat sa buhay natin? May ibang mundo ba kung saan lahat ng gusto natin ay nasa atin? Lahat ay nakaayon sa atin? At kung meron, mas pipiliin nga ba nating manatili roon kaysa manatili sa tunay na mundong pinagmulan natin? Will we rather... live in Parallel Universe?