Malas, hamak, kaawa-awa 'Yan ang tatlong salita na naglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng batang Tondo na si Inno. Lumaking pulubi at palaboy laboy sa mundong walang pakialam sa mga pinakamababang na uri ng mga tao. Walang pribelehiyo sa edukasyon, pagkain at tahanan. Sa desperasyon n'yang magkaroon ng karapatan ang mga katulad niya, masikap niyang inaral kung paano s'ya makakapaglingkod sa lahat ng klase ng tao, mayaman man o mahirap. Habang nagliliwaliw, naalala ni Inno ang narinig n'ya mula sa labas ng silid aralan na patungkol sa teyoriyang wormhole. Makakatuklas kaya siya ng ganito sa bayang kanyang sinilangan? Matutupad kaya ang prinsipyong itinayo nya para sa mga mamamayan?