Si Austheriel Selene "STAR" Madrid ay isang Masipag at mapagmahal na Babae. Magmula ng siya ay maulila tanging ang pamilya Endrelton ang kumupkop sa kaniya. Doon natutong tumibok at magmahal ang kaniyang puso, ngunit tatlong Endrelton ang magpapabago ng kaniyang buhay. Tatlong lalake na pag-aagawan ang kaniyang puso. Sino nga ba ang karapat-dapat para sa pagmamahal ng isang babaeng tila bituin sa ganda? Subalit Isang pagsubok ang dumating sa buhay ni Star at sa kabila nito muli silang paglalapitin ng tadhana at muling bubuhayin ang puso niyang namatay sa sakit ng mga sinabi at pinaranas ng nag-iisang lalakeng nagturo sa kaniyang puso na umibig. "Kunin niyo na ang lahat ng bituin,but this star is mine" -Hallen