Ang kuwentong ito ay tungkol sa dalawang magkaibigang gumawa ng kasunduan. Kasunduan na parehas silang makikinabang ngunit may isang masusugatan. Isa nga lang ba talaga? Pumayag si Selene dahil sa kagustuhang makalimutan ang kaniyang dating kasintahan samantalang gusto naman ni Saige mapaibig ang kaniyang babaeng minamahal. Mapaibig niya kaya ito? Tuluyan kayang maalis ang pagmamahal ni Selene sa kaniyang dating kasintahan?