Kung ang iba ay ibebenta ang kaluluwa o katawan sa ngalan ng pag-ibig, iba ang sa 'kin. Oras. Ito lang ang meron ako at kaya kong ibenta e. Ang maikli at natitira kong oras. Habang ang iba kasi ay nagpapakasasa sa kung anong mayroon sila: yaman, kapangyarihan, titulo, ay mayroon ding walang-wala. Gaya ko. Kumbaga, buhay ko na lang tanging mayroon ako at aking hininga. Kaya ang aking kaluluwang naghihingalo ay bakit ko pa ibebenta kay kamatayan? Para matulungan ang ate at bayaw kong may sakit ay susuungin ko ang isang bagay na ni sa hinagap ay hindi ko masisikmurang tanggapin. Bagay na kinamumuhian ko. Pero hindi alam ng lahat na may taning na ang buhay ko. Kaya naisip ko na lang na ipagbili ang sarili sa isang bilyunaryo para ang buhay naman ng mga mahal ko ay madugtungan. 'Yon na lang ang nag-iisang misyon ko. Tumatakbo ang oras, wala ng panahon para magselan. Tutal ay mamamatay rin naman ako ay mabuti pang gamitin na ang nalalabi ko pang oras. Pero paano kung matutunan ng puso kong magmahal? Magbago kaya ang aking plano? At saan naman ako ihahatid ng napasukan kong trabaho? Sa langit o sa impyerno? A Thousand Hours with The Billionaire All rights reserved Uriala Yin
20 parts