Puso o talino? Alin ang dapat mauna? Alin ang mas matimbang? Si Pancho Sagisag ay isang sikat na boksingerong naihalal ng nagkaisang minorya upang pamunuan ang bansang Pilipinas. Hindi man nakapagtapos, hindi man perpektong tao, taglay niya ang isang pusong naga-alab para sa sambayanang Pilipino. Ngunit, sapat na ba ang puso para pamunuan ng maayos ang isang bansa, o nararapat lamang bang lagi itong may kasamang akademikong talino? Anong klaseng tao ba ang nararapat na mamuno sa bansa? Paano nahuhubog ang isang taong magdadala sa kaniyang kapwa tungo sa isang mas magandang bukas? Ilan lamang iyan sa mga tanong na susubukang sagutin ni Pancho sa pamamagitan ng kaniyang pamumuno bilang ang ika-18 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Philippine political drama na SAGISAG, mula kay Manuel Fernando Fernandez.