Ako si Kyline Buenaventura, kasalukuyang estudyante ng kursong Hotel and Restaurant Management sa isang unibersidad malapit sa probinsiya namin. Isa lang naman ang aking hiling, yun ay ang makapagpatayo ako ng sarili kong pastry shop dito sa bayan namin. Naging libangan ko ang pagbebake at ng dahil dun ay nagkaroon ako ng mataas na pangarap para sa aking sarili. Ayoko ng sayangin pa ang oras ko sa mga walang kwentang tao na hindi din naman deserved mahalin. Minsan na akong nakaranas umibig, ngunit sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Naisip ko na baka hindi lang talaga kami ang para sa isa't-isa. Na baka may ibang plano si God para sa akin, na may ibang taong nakalaan para sa akin. At ng dahil sa dessert, narealized ko na baka yung talent ko sa pagbebake ang maging susi para makilala ko yung taong karapat-dapat para sa akin. ❤ Make It Sweet © 2022 ❤ Written By: @Gervindys25