Ito'y kwento ng dalawang estranghero na pinagtagpo ng tadhana para... saktan ang isa't isa. ••• Si Maria Annika Bartolome. Isang dalagang pursigidong makapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa kagustuhan niyang ito, mapapadpad siya sa mansion ng mga Javier, at magiging personal maid ng anak ni Mr. Javier. Sa pagsisimula ng kanyang buhay kasama sa iisang bubong ang lalaking sa unang pagkikita pa lang ay halos ilibing na niya ng buhay ay walang kapantay na inis, asar at galit ang kanyang mararamdaman para dito. Ngunit, ang hindi naman inaasahang mangyayari ni Annika ay ang unti-unting pagtibok ng kanyang puso para sa kanyang kinaiinisang amo. Kaya kayang pigilan ni Annika ang kanyang nararamdamam? At... Kaya bang suklian ng kanyang amo ang kanyang unexpected na pagmamahal? Sa kabilang banda naman, habang hulog na hulog na si Annika, isang misteryo ang malalantad sa kanya. Isang misteryong guguho sa kanyang mundo at wawasak sa kanyang puso. Si Kristoffer Warren Javier. Isang binatang may madilim na buhay at kahapon. Isang malaking takot at pangamba ang laging lumulukob sa kanyang buong pagkatao -- ang sumpa. Ang sumpang mabubuhay lang kapag dumating na ang babaeng itinakda. Ang babaeng itinakda na walang iba kundi ang kanyang... bagong personal maid. Sa simula ay hindi mailarawan na inis at... takot ang kanyang mararamdaman para dito. Wala siyang ibang ginawa kundi ang itaboy ito palayo sa kanyang buhay. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at ang sumpa, sinong mag-aakala na mahuhulog pala ang kanyang loob sa kanyang dalagang personal maid? At sa halip na itaboy niya ito palayo ay wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang makasama lagi at protektahan ito. Paano kung umabot sa puntong ubos na ang lahat, kaya niya pa kaya itong iwan?
19 parts