Nandito parin ako. Hanggang ngayon ginugulo parin ako nung mga masasayang alaala na sabay nating binuo. Heto ako.. Umaasa.. Naghihintay na baka isang araw matauhan ka at bumalik. Kasi, kahit pa tinalikuran mo ako para sa kanya.. para sa kanila, hindi ka parin nawawala sa puso ko. Ikaw parin eh. Sabi nga nila masaya ka na sakanya. Pinaglaban mo pa siya sa magulang mo. Bagay na hindi mo nagawa noong mga panahon na tayo pa. Going strong daw kayo. Pero ako? Wala paring sineryoso mula nung iniwan mo ko. Ikaw parin ung gusto kong makasama eh. Ikaw lang. Im Still all about you. I Still love you. I Still dream of you. STILL