What is love? Iisang tanong subalit walang makapagsabi ng malinaw at direktang sagot. Marami ang nagsasabi na "Love is Blind" daw para sa mga taong tinamaan ng matindi sa mga pana ni Kupido, ang iba naman ay "Love knows no boundaries" para sa mga umibig sa parehong kasarian, malagyong agwat ng edad o magkaibang estado ng pamumuhay, meron naman ang "Love can kills you alive" para sa mga taong obssesed sa pag-ibig at "Love can change our life" para sa nakatagpo na ng kanilang "The One". Ngunit ano nga ba ang Love? Ito ba ay maihahalintulad sa mga materyal na bagay? O isang parte sa buhay ng tao na sobrang sagrado na tulad ng isang kontrata sa high class na bangko? Ano at ano pa man ang depinisyon ng "Love" sa bawat tao ay tanging sya lamang ang nakakaalam nito kanyang sarili. Ang mahalaga ay marunong tayong magpakumbaba at maging mabait sa ating kapwa maging sila man ay mabuti o masama, at umintindi ng pagkakaiba-iba ng bawat tao sa mundo. Sa ganitong simpleng pamamaraan ay "baka" mas mabigyan na ng insakto, malinaw at iisang sagot ang tanong na nasa itaas.