Think before you click!!! Aminin man natin o hindi, maraming tao ang gumagamit ng social media sa makabagong panahon, mula sa bata hanggang sa matatanda, may-kaya man o wala ay nahuhumaling sa paggamit nito araw-araw. Simula sa pagiging isang libangan o pampalipas oras lang hanggang sa pagpapaunlad ng mga negosyo at komersyalismo. Subalit sa kabila ng pagiging kapaki-pakinabang nito sa buhay ng bawat tao ay mayroon pa din na nagmamalabis sa paggamit ng mga social media tulad ng paninipurang puri o panloloko ng kapwa-tao sa daigdig ng internet, ngunit ano nga ba ang negatibong epekto na naidudulot ng mga social media sa mentalidad ng isang indibidwal at sa kumunidad? Possible ba na dumating ang panahon na ang mga social media na ang mag-kontrol sa isang bansa? At ano-ano ang maaring maging masamang epekto nito sa mga susunod na henerasyon ng sangkatauhan dito sa mundo? Ito ang ilan sa mga tanong na dapat mabigyang pansin ng bawat tao na gumagamit ng social media sa panahon ngayon na kung saan ay mas laganap pa ang kriminalidad na nagaganap kaysa sa maalikabok na mga lansangan. This book is for educational awareness about the addiction of using social media.