"Papa, saan po tayo pupunta?" inosenteng tanong ng batang babae sa kanyang ama. Saglit na itinigil ng ama ang kaniyang ginagawa at hinarap ang kaniyang anak. "Pupunta tayo sa isang magandang lugar, Anak." sagot nito sa kaniyang anak. "Huwag kang mag-alala, maraming magagandang laruan dun at siguradong marami kang makikilalang bagong kaibigan." pekeng ngumiti ang ama sa kaniyang anak at pinagpatuloy ang ginagawang pag-iimpake. Pagkatapos mag-impake lumabas na ang mag-ama sa kanilang tahanan. "Bakit po sila may dala-dalang baril, Papa? Nakakatakot po." natatakot na bulong ng batang babae sabay kapit ng mahigpit sa damit ng kaniyang ama. "Hoy! Bilisan niyo diyan." sigaw ng armadong lalaki. "Hali ka na, Anak. Aalis na tayo." hinawakan nito ang kamay ng kaniyang anak at nagmamamadaling sumama sa mga armadong lalaki. ----DARK ISLAND---- "Boss, nandito na sila" pagbibigay-alam ng lalaki sa kaniyang Amo.