Sabay isinilang at lumaki si Eunice at Jana. Magkaiba man ang kanilang mga magulang parang tunay na magkapatid ang kanilang turingan. Parehas na matalino at maganda ang dalawa. Kung mayroon man siguro pagkakakaiba ang dalawa ito ay agwat ng kanilang pamumuhay. Si Eunice ay mulat sa karangyaan. Kahit ano man naisin nito ay naiibibigay ng mga magulang, maliban lang sa atensyon na hindi sapat na naibibigay sa kanya dahil sa sobrang busy sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya. Si Jana, kabaligtaran ni Eunice. Laki sa hirap at mulat sa pagbabatak ng buto. Maagang naulila sa ama, kaya kailangan niyang tulungan ang kanyang ina bilang kasambahay nila Eunice. Lahat ay gagawin ni Jana maging proud lang sa kanya ang kanyang ina, at makuha lang ang pagmamahal nito para sa kanya, na nakikita niya na naibibigay ng ina kay Eunice. Sadyang mapag-biro ang tadhana, kung saan masusubok ang tibay ng pagkakaibigan ng dalawa. Nagkaroon ng brain tumor si Eunice at kailangan ang agaran operasyon. Dahil sa di tiyak na kung makakasurvive siya sa isasagawang operasyon na gagawin sa America, minabuti niya ihabilin ang maiiwang nobyo kay Jana. Masakit man sa kanya na iwanan ang lalaking minamahal, panatag naman siya kung kay Jana ito mapupunta. Mabilis lumipas ang panahon simula ng umalis si Eunice. Kasing bilis din nito ang pagkahulog ng loob ni Jana sa nobyo ni Eunice na si Theo. Sino ba naman hindi mabibighani dito, sa likod ng simpatiko at bruskong pag-uugali nito may natatago itong kabaitan at kagwapuhan na kahit sino mang Eba ay mabibighani. Kung kailan mahal na ni Jana at Theo ang isa't isa, nagbalik sa eksena si Eunice, at handang bawiin ang lalaking minamahal. Kaya bang ibalik ni Jana si Theo kay Eunice para maisalba ang kanilang pagkakaibigan, o sundin ang tibok ng puso nito na minsan na niyang sinaway? Gigimbal ang mundo ng dalawa sa malalaman na katotohanan... na ang lahat ng bagay na tinatamasa ni Eunice ay dapat kay Jana, pati ang puso ng lalaking minamahal!
3 parts