" anong nangyayari ? Sino ka ?" Bungad kong tanong sa babaeng natatakpan ng liwanag . unti - unting naglaho ang liwanag at lumitaw don ang isang napakagandang babae. Napaka ganda ng kasuotan nya , Kulay Rosas , nakalugay din ang buhok nya na napapalibutan ng gawa sa bulaklak na korona . Sino ba talaga sya? Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa Kanya , nakakasilaw din ang kagandahan nito . ang sakit ng Mata ko . ang lakas ng brightness nya . " makinig ka Miley , ako ang iyong fairygod mother . tutulungan kitang makapag ayos at makadalo sa kasiyahan , Pero tandaan mo na kapag itinuro na ng mga kamay ng orasan ang numerong 10 , maglalaho LAhat !" Kinusot ko pa rin ang Mata , naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari , at sa mga sinasabi nya . Lumapit Ito sakin at ikinampas ang magic wand nya sa ulo ko . nagulat ako ng makita ang tubig na lumipad patungong direksyon ko . pinaligiran ako nito at bumuo Ito ng mga nagkikinangang mga perlas . " teka , ano ba talagang nangyayari ? Hoy anong gagawin mo sakin " sigaw ko habang nararamdaman ang paglapat ng tubig sa bawat parte ng katawan ko .