"Nasa dugo namin ang pagiging matalino sadyang anemic lang ako." Saad ko sa lalakeng mukhang tukmol na kanina pa tanong ng tanong sakin tapos kapag hindi ko nasagot sasabihin sakin "Do you really attending your class, achis?" Sagot ko naman, "Kaya nga magkaklase tayo diba?" Malay ko ba sa tinatanong nya sakin hindi naman ako nakikinig sa mga discussion at wala akong pakialam sa lesson namin. All i want is my phone and my precious Mobile Legend. Wala akong interes sa academics, interesado ako kung paano mapapalayas ang lalakeng ito sa harap ko at kung paano ko sya ipapatapon sa planetang mars. Nakakainis ang papagigi nyang matalino. "Athaliah Alqueza!" Sabi nito sa buong kong pangalan dahil doon napatingin ako sakanya. "Oh ano na naman? Nagtatanong ka na namam kung sino ang pinaka unang senador na babae ng pilipinas O kaya kung bakit naghiwahiwalay ang lupa sa mundo? Ilang beses ko nang sasabihin sayo, Nahko, bobo ako at wala akong alam dyan, kung gusto mo maki one on one ka kay Gascon total pareho kayong matalino." "Who discovered the volleyball?" Napa pikit na lang ako... Diba sabi ko sainyo....