Tulad ng ibang mga apo ni Don Zandro Brillante hindi nakaligtas si Tatiana sa kautusan ng kanyang abuelo na maikasal sa isang lalaking napili nito para sa interes at kapakanan ng kanilang pamilya kay Dale Yuzon. Ang lalaking minsan na niyang binigo nang magpahayag ng pagmamahal nito noon. Kung buo man sa loob ng lalaki na mapaibig siya sa kahit anong kaparaanan isa lang ang pwedi niyang gawin...ang magpadala sa agos at gantihan ang nag-aapoy nitong mga yakap ng isang damdaming malamig pa sa yelo!