Masipag at masiyahin si Agatha. Marami rin ang humahanga sa taglay niyang galing sa klase. Sa buhok niyang hanggang taas ng puwet ang haba at sa kutis niyang parang gatas ay talagang nakukuha niya ang atensyon ng karamihan. Ngunit isang araw ay nag bago ang ihip ng hangin. Tila naging itim ang dating puting kapaligiran. Naging malabo ang dating malinaw na tanawin. Sa araw narin na iyon ay nakitang naka bigti si Agatha sa loob ng kanilang silid aralan, ngunit hindi nakitang nakatumba ang upuang pinagtayuan nito.