Sa pag-atras ng oras, ang nakaraan ay bumabalik. Kasaysayang natapos na, kailangang isulat ulit. Sa panahong kalayaa'y ibinigay, kasabay nito ay pagbitaw ng kaniyang kamay. Bawat patak ng tubig ng lungkot, hanap ang kaniyang mga haplos. Sa bukas na walang kasiguraduhan, pag-ibig ay panghahawakan. Ngunit sa oras na 'di angkin, ang pagtakbo ulit ng relo ay hudyat ng himakas ng istorya namin. Sa aming pagwawakas, sakit ng nakaraan ay mananatiling bakas. Dahil siya'y parte ng kasaysayan ako naman ng kasalukuyan, pag-ibig na walang hangganan na magtatapos sa isang paalam.