Minsan ay may mga dumarating na pagsubok sa ating buhay, dumarating ang mga ito sa mga oras na hindi natin inaasahan, sa mga panahon na hindi natin namamalayan. Bilang isang tao alam natin ang ating mga tuntunin sa ating buhay at sa mundo na ating ginagalawan. Tayo ang dahilan kung bakit unti unti nang nasisira ang mundo, tayo ang salarin sa mga pagsubok na ating mga kinakaharap, huwag nating isisi sa Dios kung bakit tayo nahihirapan dahil tayo rin ang may kasalanan tayo rin gumagawa ng sarili nating mga suliranin. Isusulat ko ang maikling kwentong ito upang maipaunawa hindi lamang sa aking sarili kundi sa lahat ng tao ang tunay na halaga ng pagsunod at pagrespeto sa mga bagay bagay sa mundo, nais kong gisingin ang mga taong tulog sa katotohanan upang nang sa ganun ay malaman nila ang tunay na kadahilanan.