COVID-19 PANDEMIC

54 1 0
                                    

Sabi nga nila masakit ang katotohanan ngunit minsan katotohanan ang siyang nagmumulat sa atin sa kaliwanagan, katotohanan ang gigising sa atin mula sa pagkatulog, pagkatuto mula sa mga bagay na hindi na maganda, sa mga bayag na nagdudulot ng sakuna, sakuna na tayong mga tao ang lumikha.. basahin mo, basahin mo ang isinulat kong ito upang nang sa ganun kahit papaano ikaw ay matuto!!..simulan ko.

Naisip mo naba na isang araw ay mababago ang ikot ng mundo, yung tipong mababago lahat lahat pati ang pamumuhay nating mga tao? Bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito ngayon? Bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi na parin matapos tapos ang mga masasamang kaganapan sa mundo, hindi lamang ang sakit nga lumalaganap sa sandaigdigan kundi pati narin ang mga engkwentro ng mga terorista at mga sundalo na nagiging dahilan upang madamay ang mga inosenteng tao na walang kamalay malay sa mundo, mga batang sinasabi nating pag-asa ng kinabukasan ng ating bayan ay ganito ang mga nararanasan sa mura nilang edad, galit ba sa atin ang diyos kaya nangyayari ang mga ito sa atin, wag nating tanungin ang diyos tanungin natin ang ating mga sarili sapagkat tayo rin ang dahilan kung bakit tayo nagdurusa ng ganito.

Ilang araw, buwan na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay nabubuhay parin tayo sa takot na dulot ng pandemic na sumasakop sa ating mundo, kung tawagin nga nila ay nabubuhay tayo sa new normal na estado. Bata, matanda, lalaki man o babae ay walang pinipili ang sakit na COVID-19, maging sino ka man ay pwede kang tamaan nito, walang kasiguraduhang mabubuhay kapa kapag ikaw na tamaan ng sakit na ito, maari kang mabuhay, ngunit maari karing mamatay. Kaya ngayon tatanungin kita, nakakasunod kaba sa mga kautusan na inilalatag ng ating gobyerno? Kaisa kaba sa pagbasag sa kadilimang ating nararanasan ngayon? O baka ang dapat na tanong ay, isa kaba sa mga dahilan kaya hindi matapos tapos ang problemang ito?..

Sa bawat paglabas mo sa loob ng inyo inyong mga tahanan ay May buhay na nanganganib mawala, hindi mo lang alam ngunit sa simpleng pananatili mo sa loob ng inyong tahanan ay malaking tulong na upang kahit paunti unti ay mapuksa ang sakit na ito..

Huwag nating ipagwawalang bahala ang mga nangyayaring ganito sa ating mundo, hindi ka man tamaan ngayon ngunit baka sa susunod na araw ay ikaw na ang nagdadala ng sakit at pati pamilya mo ay dinadala mo na sa bingit ng kamatayan. Sabi nga nila hindi naman naglalakad ang virus o ang COVID-19 tayo ang lumalapit dito kaya tayo nagkakaroon nito, wala silang paa at sariling pag-iisip ngunit tayong mga tao ay meron kaya tayo ang mag adjust kung sinabi nilang bawal lumabas wag ka nang lumabas. Hindi ba tayo naaawa sa mga frontliners? Sila na halos hindi na matulog, kumain at makapagpahinga man lang kahit sandali para lang matuldukan ang problemang ito?. Ngunit ikaw, ikaw na halos wala manlang pakialam sa mga nangyayari sa mundo. Labas dito, gala doon, ganiyan kanalang araw araw, hindi mo manlang naisip ang hirap na dinaranas ng mga taong nakikipagsapalaran para lang matapos na itong pandemic na ito? Pakiusap makiramdam ka, makiramdam tayo sa mga nangyayaring ito sa ating mundo, tumulong tayo sa pagbasag sa kadiliman na unti unting bumabalot sa sandaigdigan, huwag nating hintayin na tayo muna ang tamaan ng sakit na ito bago tayo magkaroon ng kamalayan, tumulong na tayo ngayon sabi nga nila (now or never?)..

Milyon na ang mga namatay dahil sa sakit na ito, kung ikaw ay isa mga mapalad na nakaligtas na hindi matamaan ng sakit huwag kang magpakasaya sa halip malungkot ka, bakit? Simple lang, dahil nakaligtas ka man ngunit sila hindi.. yung mga doctor, nurses at lahat ng mga nangungunang gumalaw upang pigilin ang paglaganap ng sakit na ito, sila na nagsasakripisyo ng kani-kanilang mga buhay, isipin mo sila, isipin mo na tao rin sila na may pakiramdam masaktan, mapagod at higit sa lahat tao rin sila na may kaniya kaniyang pamilya na naghihintay sa kanila, ngunit dahil sa sakit na ito hindi nila nakakasama ang kanilang mga pamilya dahil natatakot sila na baka sila ang nagdadala ng sakit na pwedeng pumatay sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya ikaw na nagbabasa sa storya kong ito sana nabuksan ko ang iyong mga mata, gumising kana sa katotohanang ang mundong ating ginagalawan ay mapanganib na, hindi na ito ligtas, tumulong ka sa pagbasag sa kadiliman na ito, isipin mo na ikaw at ang ating pamilya rin ang maghihirap kapag hinayaan nating talunin tayo ng sakit na lumalaganap sa ating mundo. Huwag kang magpakasaya dahil ligtas ka ngayon, bagkus, maging kalungkot ka dahil may mga taong naghihirap at namamatay para sayo, para sa kaligtasan ng iba, isipin mong tao rin sila katulad natin, napapagod at may pamilya rin silang naghihintay sa kanilang pag-uwi.

Umiyak ka mabuti yan para mas lalo mong naramdaman ang sakit na dinaranas ng mga taong nagsasakripisyo ng kani-kanilang mga buhay para sa iyo. Wala kang karapatan magpakasaya dahil sa bawat tawa mo ay kalungkutan naman sa iba, alam mo bilang isang tao kailangan mong magpakatao, huwag mong hayaang maging mangmang ka nalang habang buhay dahil kapag nagkataon mamatay kanalang balang araw na wala manlang maalala ang mga taong nakapaligid sa iyo na magagandang ala-alang iyong nagawa bagkus puro kamangmangan at baka nga pati sa huling mga araw mo ay wala manlang umiyak para sayo.. gamitin mo ang mga araw na natitira para sayo upang gumawa ng kabutihan, kahit manlang sa pagsunod sa mga ipinapatupad na paalala ng ating gobyerno sa atin ay malaking bagay na upang makatulong tayo upang matapos na ang problemang kinakaharap nating ito..

Naalala mo pa ba yung nga araw na malaya ka pang nakakalabas, nagagawa ang mga bagay na gusto mong gawin ng walang takot? Oo gamitin mo ang mga ala-alang iyon bilang rason na dapat kang tumulong na ibalik ang dati, ibalik ang dating kalayaan nating mga tao, ako bilang isang studyante sobra ko nang namimiss yung mga panahon na malaya pa akong nakakapasok sa paaralan, nakikipagtawanan sa aking mga kaklase at marami pang iba. Ikaw diba gusto mo rin iyon? Yung malaya kang gawin ang mga bagay na nakasanayan mo na? Yung mga bagay na nakakapag bigay saya sa iyo? Kung ganun halika, tumulong ka, tumulong ka upang tuluyan na nating basagin ang kadiliman. Huwag mong iasa sa iba ang iyong buhay, gumalaw ka at ikaw mismo ang gumawa ng paraan upang maging ligtas, dahil kapag patuloy ka lang umaasa walang mangyayari, isipin mong ang mga taong iyong inaasahan at tao lang katulad mo..

Walang gamot o kahit ano mang kagamitan na nilikha ng tao ang makakapagpagaling sa mundo kundi ikaw, ako at sila rin lang ang makakalutas sa problemang tayo ring mga tao ang may likha. Huwag mong sisihin ang bansang pinagmulan ng sakit dahil hindi rin nila ginusto ang mga nangyayari sa mundo bagkus makipagkaisa tayo upang mas mapabilis na maibalik ang kalayaan na ating inaasam...

Sana kung isa ka sa nagbabasa ng isinulat kong ito sana naantig ko ang iyong puso, sana nabuksan ko ang iyong kaisipan mula sa pagkatulog.. kung napaiyak man kita pasensya ka na.. ngunit isa lang ang layunin ko ito ay ang imulat sa iyo na ngayon na ang tamang oras upang patunayan mo sa iyong sarili na hindi kalang basta tao bagkus isa kang tao na may paninindigan sa buhay, isa kang tao na may positibong pag-iisip, isa kang tao na nilikha ng diyos upang makatulong sa kapwa mo tao..

Sa ngayon tatapusin ko na ang maikling kwento kong ito sana huwag mong kalimutan magkumento at bumoto dahil sa simpleng kumentong  iiwan mo ay malaking bagay na sa akin upang patuloy na magsulat at umantig ng nga pusong bato at gawing pusong mamon.. (yun ohh)
Sige paalam, salamat mahal kong mambabasa.

Thank you to my cover artist
(Kelle)
Take care always!!

COVID-19Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon