Ang kuwentong ito ay hango sa totoong buhay noong ako ay bata pa lamang sa edad na pitong taong gulang. Si Kuya Rolly naging bahagi ng aking buhay na kung ituring ako parang nakakabatang kapatid niya at parang tunay na anak na rin ang turing ng aking magulang sa kanya. Sa kuwentong ito nagbigay aral sa akin kung paano maging matatag sa panahon ng mga pagsubok at ang kahalagahan ng pamilya.