"Alalayan ang nabulag." Gaya ng mga gamugamong naakit ng apoy, nangagkakawalaan ang mga residente sa itaas na mga barangay ng lungsod ng Ramonte. Parang apoy na hindi maalipula, kumalat ang mga sabi-sabi sa mga bahay-bahay. Anila'y namamataang naggagala sa dilim tuwing hatinggabi ang mga biktima na wari'y walang tiyak na patutunguhan. Sa kanilang paglilibot sa liwanag ng buwan, nag-iiwan ng dugo ang kanilang mga sugatang paa. Lumipas na ang tatlong linggo, at tatlong kaluluwa na rin ang silang nangawala. Kakapasok pa lamang ng ika-apat na linggo, at tiyak na hindi pa tapos ang kaligaligan. Hindi mapakali si Janus Manlangit nang magsimulang mag-iba ang kilos ng isa sa kaniyang mga kapatid. Kategorya : Historical Fiction with touches of Fantasy, Mystery, Adventure and Coming of Age. ★ PABALAT ★ Iginuhit ni V Konsepto nina V at ElParaisoVII Sinimulan noong: Hunyo 6,2020 Inihinto noong: Enero 1, 2021 Muling itinuloy noong: April 12, 2021 Muling inihinto noong Agosto 30, 2021