Napakabigat ng responsibilidad na naiatang kay Mint Lim. Isa lamang siyang estudyante na gustong makapagtapos ng pag-aaral kasabay ng kanyang mga kamag-aral ngunit hindi iyon naging madali at magiging madali, dahil mismong mga guro nila ay nilalayuan sila at pinababayaan. Ngunit ano nga ba ang nangyari at sa isang iglap ay naglaho ang pagmamahal, pagtuturo, at gabay ng kanilang mga guro sa kanila na noon ay tila hindi na sila iiwanan pa? "Maligayang pagdating sa Autumn Sparks High. Kitang-kita mo naman, naririto tayo sa ikaapat na palapag, ikaapat na silid-aralan na may room number na 404, at well....fourth section pa! Hahahahahaha! Hmm...mukhang napakamalas natin hindi ba?" -?????
3 parts