Lugmok sa nakaraan ang binatang si Apollo Bryx Morales dahil umaasa pa din itong babalikan siya ng taong minahal niya noon hanggang sa makilala niya si Celeste Gail Acosta. Hindi nila parehong alam na sila pala ang magkababata. Sa papaanong sitwasyon kaya nila matatagpuan ang isa't isa? Paano pagtitibayin ng isa't isa ang relasyong meron sila kung guguluhin sila ng isang malagim na trahedya. Subaybayan po ninyo ang Unang Kwento ng Morales Series.