He's my boss and I am just his secretary. Yan lang dapat kami pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa hindi inaasahan mahahanap namin ang pag ibig na hindi namin inaakala na posibleng mangyari. "You're married to each other" Sabi ng lawyer niya habang nakaupo sa harap namin. Nasa condo kami ngayon ni James. "Ano? Kasal? Nababaliw kana ba?" Sigaw ko, bakas ang takot ng lawyer niya sa naging reaksyon ko samantala ang lalakeng ito ay wala man lang ambag sa pinag uusapan namin. "Calm down, Mrs. Reid" Sabi niya sakin bakas pa din ang takot sa mata at boses ng abogado niya. "wag mo kong tatawagin na Mrs. Reid!" Sigaw ko habang hindi pa rin malinaw sa isipan ko ang nangyayari "Pasensiya na, Kath" Pagpapaumanhin nito. "He's right Kath, Calm down" Sa unang pag kakataon nagsalita din siya. "paano ako kakalma sabihin mo nga?! Kasal na tayo! kinasal ako ng wala ako sa wisyo at ang malala pa kinasal ako sayo!"Sabi ko. Pansin ko biglang nagbago ang kislap ng mata niya para bang a spark of anger ignited in him, oo aaminin ko natakot ako